Published October 04, 2019 by with 0 comment

Treasure Mountain | Tanay



The Treasure Mountain is located in Tanay, Rizal. This is my first time to witness the sea of clouds. Just an hour away from Metro Manila. 

Kung ikaw ay manggagaling mula sa Metro Manila, ang pinaka mabilis na ruta ay ang Marcos Highway. Madadaanan mo ang Masinag, Cogeo, Bosso-boss resort, Palo Alto, at Hardin Cottages. Ang daan papunta sa Treasure Mountain ay nasa kaliwang bahagi. Makikita nyo ang isang pila ng mga tricycles sa kalsada. Ito ay ang parehong ruta papuntang  Mt. Sapari at Mt. Binutasan (Maysawa Circuit). Mula sa pila ng mga tricycles, ikaw ay nasa 1.5 kilometro ang layo sa iyong destinasyon.  

Meron mga bahagi ng kalsada na magaspang pa.  Kapag umuulan asahan ang isang napakaputik na kalsada. Kung isang maliit na kotse ang dala nyo ay pwede nyo namang iparada sa bukana sa halagang P30 parking fee at sumakay na lamang ng tricycle upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng sasakyan at ng mga mananakay nito. Maghanda lamang ng P50 kada tao o P150 pamasahe sa tricycle.

Kung ikaw naman ay manggagaling ng Tanay Public Market.
Mula sa Public Market, Sumakay ng jeepney papuntang Sampaloc at bumaba sa intersection.
Sumakay ng isa pang jeepney pagpunta sa Cogeo.
Bumaba sa Sitio Maysawa (Maysawa Circuit).
    email this

0 $type={blogger}:

Post a Comment

Popular Posts