Booking.com
Booking.com

Trip to Parola Light House and Calinawan Cave

 
LIGHTHOUSE NG TANAY  

Mas madalas na kilala bilang "Parola" ng mga lokal, ang parola ay isa sa mga dapat makita ng mga turista sa Tanay Rizal. Matatagpuan sa lakeshore ng Barangay San Isidro,ang lighthouse ay naging gabay ng mga mangingisda tuwing gabi nawalang buwan.  Gayunpaman, tumigil ang operation nito noong 2012 at naging tourist attraction na lamang.


 
CALINAWAN CAVE
 
 
Ang kuwebang ito ay natuklasan noong 1901.  Ginamit ito bilang isang taguan ng mga refugee noong Digmaang Pilipino-Amerikano at ng mga Hapon noong World War II. 
 
Ang kuwebang ito ay halos tuyo at marami sa mga stalactite at stalagmite ang nangamatay. Ang pangalan ng kuweba ay nagmula sa salitang linaw (ibig sabihin malinaw). Noong ika-15 hanggang ika-18 siglo, ang mga magkasalungat na partido ay nagtitipon sa loob ng kuweba upang lutasin ang
di pagkakaunawaan. Ang kuweba ay may maraming palapag at
mga lagusan. Kinakailangan yumuko o paliitin ang iyong katawan upang magkasya sa loob ng makitid at maliit na daanan ng kuweba. Maaari lamang itong pasukin sa panahon ng tag-init dahil sa tag-ulan, ito'y mabaha at maputik. Ito ay may 7 levels, ang 6-7 levels ay sarado dahil sobrang manipis na ang level ng oxygen doon. 
 
 

 My second vlog, exploring Parola light house and Calinawan cave in Tanay Rizal.
 
             
 
 
Ma-iba lang tayo...

 
This is my first ever motovlog and testing my newly purchased sjcam sj8 plus with external microphone.  Byaheng on my way home.

Comments

POPULAR POST

Marine Life At-A-Glance | Manila Ocean Park

St. Scholastica's Center For Spirituality

Fe Shaw Resort