Published October 16, 2019 by with 0 comment

Road Trip | BNK Cafe and Resto

Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng ruta ng Marilaque (kilala rin bilang MaRiLaQue o Marcos Highway), ang nakamamanghang zigzag road na dumaraan sa Marikina, Rizal, Laguna hanggang sa Infanta, Quezon. 
 
Ang BNK (Budbod ni Nanay Kaling) ay isang cozy restaurant na naghahain ng mga tradisyonal na pagkaing Pilipino. Matatanaw mula sa highway ang restaurant ay mukhang maliit lamang ngunit ang multi-level na puwang sa loob ay maaaring makapag accommodate ng malalaking grupo. Ang lugar ay may simple ngunit maganda ang pagkaayos ng interior at may magandang vertical na hardin.
 
 Quick solo chill ride to Marilaque highway, breakfast at BNK Cafe and Resto.
Read More
    email this
Published October 04, 2019 by with 0 comment

Sambo Kojin | Biyaheng Cloud 9 at Hinulugang Taktak


in celebration of "Formator's Day", biyaheng Libis to Antipolo Cloud 9 and Hinulugang Taktak falls.
 
Isang selebrasyon para sa mga magigiting nating mga guro ng AJHS. Fist kumain lang kami sa isang japanese-korean restaurant na kung tawagin ay Sambo kojin sa Libis. Tunay ngang masarap balik balikan.
 
Pagkatapos ng kainan ay nagtungo ako sa Cloud 9 at sinubukan kong tawirin ang kanilang sikat na hanging bridge.  Medyo nag-aalangan ngunit nagpasya akong subukan ang tumawid sa skybridge. Nagbibigay-daan upang makita ang nakamamanghang tanawin ng Metro Maynila at Sierra Madre Mountains. 
Tunay ngang nakakanginig ng laman ang karanasan para sa akin, sa bawat hakbang lalo na't nagsisimulang mag-swing ang tulay. 
 
Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong dumaan ng Hinulugang Taktak Falls. Ito ay isang sikat na waterfalls sa Antipolo noong unang panahon, ito ay isang prime na tourist spot, may mga berdeng dahon, makinis na paligid, malusog na kapaligiran at malinis na dumadaloy na tubig. Ngunit ito ay nasira dahil sa mga basura at pagpapabaya.  Sinisikap ng pamahalaang lungsod na ma restore ang taglay nitong ganda at muling binuksan sa mga turista.
 


Read More
    email this
Published October 04, 2019 by with 0 comment

Treasure Mountain | Tanay



The Treasure Mountain is located in Tanay, Rizal. This is my first time to witness the sea of clouds. Just an hour away from Metro Manila. 

Kung ikaw ay manggagaling mula sa Metro Manila, ang pinaka mabilis na ruta ay ang Marcos Highway. Madadaanan mo ang Masinag, Cogeo, Bosso-boss resort, Palo Alto, at Hardin Cottages. Ang daan papunta sa Treasure Mountain ay nasa kaliwang bahagi. Makikita nyo ang isang pila ng mga tricycles sa kalsada. Ito ay ang parehong ruta papuntang  Mt. Sapari at Mt. Binutasan (Maysawa Circuit). Mula sa pila ng mga tricycles, ikaw ay nasa 1.5 kilometro ang layo sa iyong destinasyon.  

Meron mga bahagi ng kalsada na magaspang pa.  Kapag umuulan asahan ang isang napakaputik na kalsada. Kung isang maliit na kotse ang dala nyo ay pwede nyo namang iparada sa bukana sa halagang P30 parking fee at sumakay na lamang ng tricycle upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng sasakyan at ng mga mananakay nito. Maghanda lamang ng P50 kada tao o P150 pamasahe sa tricycle.

Kung ikaw naman ay manggagaling ng Tanay Public Market.
Mula sa Public Market, Sumakay ng jeepney papuntang Sampaloc at bumaba sa intersection.
Sumakay ng isa pang jeepney pagpunta sa Cogeo.
Bumaba sa Sitio Maysawa (Maysawa Circuit).
Read More
    email this

Popular Posts